Surprise 101

Today was unexpected. Expected before but end up unexpected. Hahaha

Ang plano kasi talaga noon pa, uuwi si moo ng 5 or 6 or 7 haha plano na yun na mag leave siya ng 10 days at dito sa bahay mag bakasyon, at para na din sa birthday ko. a week ago nasabi niya na hindi pa napipirmahan ung request niya so aburido na kme dalawa. Hanggang friday wala pa din ‘til sat e, wala pa din good news. Pag gising ko, mga ate ko at si mama nagtatanong kung kelan talaga uwi si moo sabe ko alanganin.
Mga bandang 8-9 nagtxt siya bc daw ata ako. Load agad tnxt ko siya, tinatanong ko din bakit wala ata siya pasok, twice ko ata yun natanong pero di yun nasagot, medyo tampo pa siya kasi di ako naktxt kasi kumain kame ni mama ng almusal. Tapos medyo matagal magtxt so inisip ko asa work na, bc. Kaya sabe ko, tulog muna ako saglit. Nagising ako sa pagsara ni mudra sa bintana, iiwanan kasi ako magisa kaya sinasara mga bintana pero dahil dun nagising ako, pag basa ko sa text, “sige tulog ka na paggising mo asa tabi mo na ako” natawa ako naisip ko pwedeng totoo un kaso, wala naman siya. So sabe wala ka naman dito sige ligo muna ako, pag pasok ko sa banyo ilang minuto lang may narinig akong triccle medyo may hinala na ako kaso naisip ko hindi kasi hindi pa naman napipirmahan at hindi pa din niya sinabe sa akin na uuwi siya pero asa sulok ng isip ko na siya nga yun, pero diretso pa din ako sa pagligo wala din kasi tumatawag sakin haha. Alam kong ang tagal ko ng naliligo, kasi tuwing sunday lang talaga yung masasabi kong naliligo talaga ako. Pagkalabas ko ng banyo tumawag ate ko may bibili daw sabe ko katatapos ko lang naligo, tapos may magbabayad daw utang, hindi siya makapasok kasi sarado naman bahay, ayoko mapasukan e haha. Tapos sabe ko bihis muna ako, e ang tagal ko din magbihis nun, habang akyat baba ako puro may tawag sakin sa phone, di ko masagot sagot, nung natapos ako nasagot ko yung tawag, pagka”hello” ko parang narinig ko sa labas boses ko tas ayun sabe niya andito na ako, saan kako para sure, sa terrace. Tas ayun takbo sa labas. Kung gaano ako katagal naligo yun ang tagal niyang hinintay bago siya makapasok sa bahay hahaha.

Kumain siya, sobrang napagod sa byahe at nung natapos kame magbidahan, sabe magpahinga muna tulog. Kaya ayun natulog ng 2hrs, pag gising niya pumunta kame sa bayan humiram kame ng motor ni kuya. Nagpagupit siya tapos meryenda lang tas uwi, just like the old times lang ang peg. Haha. Namiss ko yung sunudan sa pag drive ng motor at kumain ng madami. Namiss ko kasama siya.

Ang malungkot lang, may pasok na ako bukas. :((( siguradong late ako bukas, kasi sigurado tamad ako umalis ng bahay, at siguro kahit asa ofis ako parang hihila sa akin pauwi ng bahay.


7/6/14

•Finding Cinderella•
Part One: The Search

Done reading it last week pa, walang oras kaya ngayon naisip ipost.

So ayun, yung story parang ganun sa mga story na nabasa ko na pero iba haha i mean kahit na medyo may idea ako sa kwento gusto ko pa din siya kasi nakakatuwa ung character nila.
Parang “she’s dating the gangster” ang peg na bet na bet namin nung college haha, kasi yung girl ayaw sa guy na bida tapos type niya ung isang guy na mabait mga ganun.
Pang teenager yung story, pero para sakin ok lang kasi feeling ko teenager ako hahahaha. Di ahm basta love story go ako dyan.

Badtrip lang to kasi nabitin talaga ako, di ko pa kasi nabili yung part2 nito. Akala ko kasi yung part 1 niya may ending pa din na parang season 2 kumbaga yung susunod na book kaso talagang cut yung story, at dahil wala akong time pumuntang bookstore, nganga ako.

Mababasa mo rin to wattpad kung ayaw mo bumili ng book kaso ako gusto bilhin dahil “maraming dahilan” hahahaha